US Senate Resolution
National

US Senate Resolution sa pagpapalaya kay Sen. De lima at pag-atras ng kaso laban sa Rappler CEO, kinondena

KINONDENA ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez ang isang US Senate Resolution hinggil pagpapalaya kay Senator Leila de Lima at pag-atras ng kaso laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Romualdez, maaaring maiuwi sa “undue interference” sa domestic affairs sa pagitan ng bansa at Estados Unidos ang naturang resolusyon.

Sa inilabas na US Senate Resolution 142, kinokondena ng bansang Amerika ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkaka-detain ni De Lima at umano’y harrassment kay Maria Ressa.

Ipinanawagan din aniya nila ang press freedom sa bansa.

Giit naman ni Romualdez, ang nasabing resolusyon ay hindi nakakatulong sa bansa dahil dinidirekta nito ang pamahalaan na pahinain ang bigat ng batas, na siyang ipinaglalaban din ng Amerika.

Dagdag pa ni Romualdez, ang dapat gawin ng Pilipinas at Amerika ay mag-focus sa pagtutulungan nila tulad ng capacity-building para sa pagsasaayos ng criminal justice system.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *