US Prosecutor, kailangang magpresenta ng mabigat na ebidensya sa alegasyon kay Pastor Apollo- DOJ

IGINIIT ngayon ng Department of Justice (DOJ) na nasa US Prosecutor ang ‘burden of proof’ para patunayan kung totoo ba talaga ang sex trafficking case na ibinabato ngayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy– ang Executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ.

Sa California ngayon nakasampa ang kaso na pakana ng mga taong nais at nagtangka siyang palitan sa puwesto.

At dahil bigo sila sa kanilang maiitim na balak, desperado ang mga ito para sirain ang kredibilidad ng tanyag na Televangelist.

Ngunit para sa isang spiritual leader na may 7 million follower sa buong mundo, napakabigat ng alegasyong sex trafficking.

Kaya ayon sa Department of Justice, para mapatunayan ang alegasyon “evidence beyond reasonable doubt” ang kailangang ma-ipresenta ng prosekusyon.

At ngayong sa Amerika isinampa ang kaso, nasa US prosecutors ang proof of burden kung totoo ba talaga ang mga reklamo laban sa butihing Pastor.

“Of course! The burden of proof is in the prosecution, kahit dito sa Pilipinas, ganon din yon. Ang prosecutor ang magpapakita ng evidence beyond reasonable doubt na guilty yung accused. Kung hindi niya kayang patunayan yung yung ganoong level o quantum ng evidence eh ma-acquit yung accused. Kailangan ganoon ang level ng proof. Proof beyond reasonable doubt,”ayon kay Sec. Menardo Guevarra.

SMNI NEWS