idedeklarang terorista
International

US President Donald Trump, idedeklarang terorista ang mga Mexican drug cartels

IDEDEKLARA umano ni US President Donald Trump na terrorist groups ang mga drug cartels sa Mexico.

Sa pahayag ng White House, sinabihan na daw ni Trump ang Mexico na handa ang Washington na buwagin na ang mga cartel.

Ayon naman sa foreign minister ng Mexico, hindi raw papayag ang kanilang bansa sa anumang paglabag sa kanilang soberenya.

Una rito, nangako si Trump na maglulunsad ng giyera kontra sa mga drug cartels matapos ang pag-atake sa mga US citizens sa Mexico.

Ito ay matapos mapatay ang tatlong kababaihan at anim na mga kabataan sa isang ambush habang bumubiyahe patungo sa isang liblib na lugar sa hilagang bahagi ng bansa.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *