US President Donald Trump at First Lady Melania Trump nagpositibo sa COVID-19

US President Donald Trump at First Lady Melania Trump nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si U.S. President Donald Trump at ang kanyang asawang si First Lady Melania Trump nitong Huwebes (oras ng Amerika).

Kinumpirma ito ni Trump sa kanyang official Twitter at aniya ay magsisimula silang mag-quarantine ng kanyang asawa at agad na magpapa-recover mula sa sakit.

Nagsimulang mag-quarantine si Trump matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang senior aide na si Hope Hicks.

Malaki ang panahon na ginugol ni Trump na makasama si Hicks sa loob ng isang linggo kabilang ang pagbiyahe sa isang campaign rally nitong Miyerkules.

Magkasama rin ang dalawa ng ilang araw sa loob ng linggong ito sakay ng presidential helicopter Marine One maging sa Air Force One.

Samantala, mahigit na sa 200, 000 ang namatay dahil sa COVID-19 sa Amerika na siyang pinakamataas na bilang sa buong mundo habang nasa mahigit 7 milyon naman ang tinamaan ng nasabing virus sa naturang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *