Democratic congresswomen
International

US Pres. Trump, binatikos kaugnay sa mga komento laban sa Democratic congresswomen

NAKATANGGAP ng pambabatikos si US President Donald Trump dahil umano sa mga komento nito laban sa apat na Democratic congresswomen at umano’y pagsusulong ng White Nationalist Agenda.

Ito ay matapos akusahan ni Trump ang apat na Democrats na galit ang mga ito sa Amerika na wala umanong ginawa kundi ang magreklamo at sinabing malayang makakaalis ang mga ito ng bansa kung hindi sila masaya sa gobyerno.

Kabilang sa mga apat na Democratic congresswomen na tinarget umano ni Trump ay si New York Rep. Alexandria Ocasio-Cortez na may Puerto Rican origin, Minnesota Rep. Ilhan Omar na may Somali origin, ang Palestinian-American at Michigan Rep. Rashida Tlaib at si Massachusetts Rep. Ayanna Pressley na isang African-American.

Binatikos rin ng UK Prime Minister hopefuls na si Boris Johnson at Jeremy Hunt si Trump habang nagsagawa naman ng press conference ang apat na Democrats kaugnay sa mga umano’y patutsada ni Trump.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *