US Pres. Donald Trump, lumabas na sa ospital sa kabila ng kanyang COVID-19 infection

US Pres. Donald Trump, lumabas na sa ospital sa kabila ng kanyang COVID-19 infection

LUMABAS na si US President Donald Trump sa Walter Reed National Military Medical Center at bumalik sa White House sa kabila na aktibo pa ito mula sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Trump na maayos na ang kanyang kalagayan at aniya na huwag katakutan ang COVID na hayaan itong mangibabaw sa buhay.

Sa pagdating ng US president sa White House, ay tinanggal nito ang kanyang face mask upang magpakuha ng larawan.

Sa kasalukuyan ay may aktibong coronavirus infection si Trump na nakakahawa sa ibang nakapaligid nito.

Naiulat din na ilan sa mga staff ni Trump ay nagpositibo na rin sa COVID-19 kasama na ang dalawa sa housekeeping staff nito na nagpositibo ngayong araw.

Ayon sa ulat, umabot sa 90 katao ang kasalukuyang nananatili sa White House kabilang ang ushers, butlers, housekeepers, at cooks.

Matandaan na sumailalim sa quarantine at ginagamot si Trump sa nasabing military hospital nakaraang Biyernes matapos masalinan ito kasama ng kanyang asawa na si First Lady Melania Trump ng COVID-19.

Plano naman ni US President Donald Trump na makilahok sa susunod na presidential debate ayon sa kanyang campaign spokesman sa darating na Oktubre 15.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *