pilit na kinukumbinsi
International

US, pilit na kinukumbinsi ang North Korea na bumalik sa negosasyon sa isyu ng denuclearization

PILIT na kinukumbinsi ng Estados Unidos ang North Korea na bumalik sa negotiating table kaugnay sa isyu ng denuclearization.

Kasunod ito ng nalalapit na deadline ng Pyongyang para sa flexibility ng Washington hinggil sa isyu.

Ayon sa national security adviser ng South Korea na si Chung Eui-yong, lubha raw nilang sineseryoso ang ipinataw na deadline ng North Korea, sa panahong tumigil ang mga hakbang upang mapabuti pa ang inter-korean relations.

Noong Abril ng taong ito ay nagbigay si North Korean leader Kim Jong un sa Estados Unidos ng deadline hanggang katapusan ng taon na magpakita ng flexibility sa kanilang denuclearization talks.

Nagbabala rin ang mga opisyal ng North Korea sa Estados Unidos na huwag maliitin ang naturang petsa.

Sinabi pa ni Chung na mayroon na rin silang mga contingency plans sakaling mapaso ang deadline na walang positibong resulta.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *