World Cup
Sports

US, Canada at Mexico, nanalo sa bidding na mag-host sa World Cup 2026

Nanalo sa hosting rights para sa 2026 World Cup ng soccer ang kombinasyong bid ng Amerika, Canada at Mexico.

Kauna-unahang dadalhin sa North Amerika ang naturang tournament simula noong 1994.

Maging kaunahan ang 2026 World Cup Tournament na gagampanan ng tatlong bansa.

Sa walumpung bilang ng matches, sampu (10) rito ang gaganapin sa Canada, sampu (10) sa Mexico at animnapu (60) naman sa Amerika kabilang ang final na gaganapin sa Metlife Stadium sa New York City.

Nakaraang 2010 ay bigong makuha ng Amerika ang karapatan na magdala sa 2022 World Cup na nakuha ng bansang Qatar.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *