ipagpapaliban
International

US at South Korea, ipagpapaliban ang military drill upang isulong ang US-North Korea peace effort

IPAGPAPALIBAN ng US at South Korea ang kanilang joint air drill ngayong buwan upang pagbigyan ang naantalang peace dialogue sa pagitan ng US at North Korea.

Sinabi naman ni US Defense Sec. Mark Esper na mananatiling alerto at handa ang US at South Korean Military sa kabila ng nasabing desisyon upang bigyang-daan ang peace effort sa North Korea.

Bagama’t binawasan na ang saklaw ng military drill ay nagpahayag pa rin ng mariing pagtutol ang North Korea na ipagpatuloy ang US-South Korea joint drill na itinuturing nitong banta at paghahanda laban sa posibleng pag-atake sa kanilang bansa.

Una nang nagpahayag ang Washington na inaasahan nito ang pagtupad ng North Korea sa pangako nitong tuparin ang denuclearization efforts at baklasin ang nuclear weapon industry sa bansa bago nito tuluyang tanggalin ang ipinataw na US economic sanctions kontra North Korea.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *