Urban farming sa mga barangay sa QC, hinikayat ng LGU

Urban farming sa mga barangay sa QC, hinikayat ng LGU

INILUNSAD ng Quezon City government ang #GrowQC Nutritious Feeding program para tulungan ang mga urban farmers na magkaroon ng sariling pagkukunan ng sariwang gulay (urban farming) para sa kanilang hapag kainan at bawat  pamilya sa lungsod.

(BASAHIN: Mga lupa na ipapagamit sa urban farming sa Quezon City, exempted na sa tax)

Pangunahing makikinabang sa nasabing programa ay ang mga mamamayan na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya at hinikayat ang mga barangay na mag-organisa ng kaparehong programa para sa kanilang mga residente  dahil sa maraming magandang benepisyo ito lalo na sa food security.

Bukod sa patubuing gulay, naglaan din ang Quezon City Food Security Task Force (QC-FSTF) ng mobile kitchen bilang isang cooking site para sa mga residente.

Sinabi ni Quezon City Food Security Task Force chairperson Mayor Joy Belmonte na ang kahalagahan ng urban farming ay paglalaan ng seguridad sa pagkain sa panahon ng pandemic.

“Ang #GrowQC Nutritious Feeding program na ito ay isa lamang sa mga inisyatibo ng lungsod upang ipagbigay-alam sa ating mga residente na maaaring makakuha ng masustansyang gulay sa ating urban farms. Sa pamamagitan din nito, nabibigyan din natin ng kabuhayan ang ating urban farmers,” pahayag ni Belmonte.

Nakahanda ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa mga residente para sa pagsisimula ng urban farming sa tulong ng Department of Agriculture (DA) para  makapagtanim ng gulay sa kanilang mga likod bahay at paligid ng kanilang tahanan para may mapagkukunan ng sariwang gulay at hanapbuhay ang bawat pamilya.

(BASAHIN: Kasunduan sa urban farm sa Smokey Mountain sa Tondo, inilunsad)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *