UP graduate
Regional

UP graduate na naging NPA leader, nasakote sa Nueva Ecija

ARESTADO ng militar ang isang UP graduate na naging NPA leader sa enkwentro sa Barangay Estrella, Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ni Philippine Army 7th Infantry Division Spokesperson Major Amado Gutierrez ang rebelde na na isang UP graduate na si Redsa Balatan alyas Sining, Julia at Lea, ang political instructor at deputy secretary ng komiteng Larangang Guerrilla Sierra Madre.

Nabatid na tumagal ng labing minuto ang bakbakan kung saan dalawa ang patay at apat ang nasugatan sa panig ng NPA.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga baril, magazine, hand grenade, handheld radio, cellphones, subversive documents at extortion letters.

Kasabay nito, nanawagan si 7th Infantry Division Commander Major General Lenard Agustin sa miyembro ng akademya na suriing mabuti ang mga ituturo sa mga kabataan upang hindi mahikayat na sumali sa NPA.

 SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *