Universal Health Care system, Top 01 sa Tatak Duterte  —Presidential Spokesperson Roque

Universal Health Care system, Top 01 sa Tatak Duterte —Presidential Spokesperson Roque

PINASASALAMATAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang lahat ng mga nagawa ng Duterte administration kung saan nangunguna para sa kalihim ang Universal Health Care system .

Ayon kay Roque, isa siya sa natutuwa dahil sa mga isinusulong nito sa Kongreso noong araw.

Maliban sa Universal Health Care law, pinasasalamatan din ni Roque ang pagkakaroon ng libreng tuition sa lahat ng mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.

Kabilang din dito ang libreng patubig kung saan ang mga magsasaka ang pinakapangunahing nakikinabang nito, 10,000 free Wi-Fi hotspots kabilang na ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Kaugnay sa COVID-19 response, ayon sa ranking ng John Hopkins, ika-23 ang Pilipinas sa total cases, ika-30 active cases, ika-130 cases per 100, 000 persons, ika-87 sa total fatality rate.

Pang-anim din ang Pilipinas sa active cases sa buong Southeast Asia.

Sinabi ni Roque na 16-M na ang nabakunahan laban sa COVID-19. Napasa na din sa Kongreso ang Tax Reform at Rice Liberalization Act.

Kabilang naman sa ipinagmamalaki ng kalihim ang hindi pagbaba sa trust and satisfaction rating ni Pangulong Duterte dahil tinupad nito ang kanyang pangako sa mga Pilipino.

Samantala, kaugnay naman Duterte’s corruption campaign sinabi ni Roque, ‘’Siya lang ang regular na pina-publicize ang mga pangalan ng mga sinisibak ito ay tinatawag na shaming campaign.’’

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *