United Nations
National

United Nations, naglaan ng higit $500M para sa ilang programa ng pamahalaan

MAHIGIT $500M ang ilalaan ng United Nations para sa mga prayoridad na programa ng Pilipinas.

Ito ay sa sustainable development at inclusive growth ng bansa sa susunod na limang taon.

Nakapaloob ito sa nilagdaang Partnership Framework for Sustainable Development (PFSD) 2019-2023 ng Pilipinas at U.N.

Tinukoy ni U.N. Resident Coordinator Ola Almgren ang pagbuti ng mga ginagawa ng Pilipinas.

Para makamit ang Millennium Development Goals (MDGs) sa kabila ng ilang hamong kinakaharap ng bansa.

Pinuri naman ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang UN country team.

Dahil sa kanilang pagsisikap na gawing strategic partnership sa halip na development assistance ang nature ng UN system engagement sa Pilipinas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *