sapat na perang pambayad
International

United Nations, nagbabalang maaaring wala nang sapat na perang pambayad para sa mga empleyado

NAGBABALA si United Nations Secretary-General Antonio Guterres noong martes na posibleng wala nang pambayad ang organisasyon para sa suswelduhin ng kanilang mga empleyado sa Nobyembre kapag hindi pa magbigay ng kanilang mga kontribusyon ang member states nito.

Ayon kay Gutteres ay 64 sa 193 member states nito ang hindi pa nagbabayad ng kanilang annual dues sa UN ngayong taon kabilang na ang Amerika na mayroong pinakamalaking financial contribution na katumbas ng 22% ng kabuuang regular budget ng organisasyon.

Aminado si Gutteres na maaapektuhan ng kakulangan sa budget ang ilang mahahalagang operasyon ng UN  kung saan nasa mahigit us$1.3 b pa ang hindi naibibigay ng ilang UN member states.

Dagdag ni Gutteres ay posibleng makaranas ng worst cash crisis ang un matapos ang sampung taon simula ng maganap ang great recession noong taong 2009 kapag hindi pa tuluyang magbayad ang ilang member states nito.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *