Big Ben Bell
International

United Kingdom, ginunita ang ika-160 anibersaryo ng makasaysayang Big Ben Bell

TAHIMIK na sinalubong ng London sa United Kingdom ang ika-160 anibersaryo ng makasaysayang Big Ben Bell matapos itong hindi patunugin ngayong taon.

Sa ngayon ay sumasailalim sa isang matinding restoration project ang clock tower upang mapanitili ang kondisyon ng makasaysayang landmark sa United Kingdom.

Tinatayang aabot sa $5 billion ang halaga ng restoration program upang mapangalagaan ang nasabing clock tower na inaasahang matatapos sa taong 2021.

Dinarayo ng mga turista ang Big Ben na nagsisilbing palayaw ng higanteng kampana na nasa loob ng isang sikat na clock tower sa Westminster Palace sa London na unang itinayo noong taong 1859.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *