Unified no home quarantine policy, posibleng ipatupad sa buong bansa

Unified no home quarantine policy, posibleng ipatupad sa buong bansa

POSIBLENG sa susunod na mga araw pormal na ilunsad ang no home quarantine policy sa mga lugar sa bansa na may matataas na kaso ng COVID-19.

Ito’y kung mapagkakasunduan ng mga miyembro ng Interagency Task Force o IATF at ng Metro Manila Council at iba pang lokal na pamahalaan sa bansa ang mungkahing no home quarantine policy dahil pa rin sa lumalawak na kaso ng COVID-19 sa  Pilipinas.

Bagama’t ginagamit na rin ang polisiyang ito sa mga LGU gaya ng Navotas at Cebu, pero mas mainam anila kung maipatupad ito sa bansa dahil sa pag-aaral na mas marami ang tinatamaan ng sakit sa mga naiiwan sa tahanan.

At kung sakali mang humupa na ang kaso ng coronavirus disease sa bansa, maaari din namang gawing exemption ang home quarantine.

Yan ay kung masigurong may sapat na proteksiyon ang buong miyembro ng pamilya mula sa may sakit o sintomas ng COVID-19.

Pero sa ngayon aniya, mas tinututukan ng pamahalaan ang mas istriktong isolation procedure sa mga naitalang kaso ng naturang sakit.

Nauna nang nag-anunsiyo dito ang Department of Interior and Local Government sa no home quarantine policy para agad na maihiwalay ang mga taong apektado ng sakit at hindi na makahawa pa sa iba.

Ani Dizon, mas mainam na hintayin na lang muna ng publiko ang findings ng mga health experts kung anong klaseng gamit ang nararapat na gamitin ng mga Pilipino matapos dumaan ang mga ito sa masusing trials.

Ang mahalaga aniya ay may pondo na ang bansa para dito.

Matatandaang nasa P40 bilyon ang kayang ilabas ng pamahalaan para sa bakuna kontra COVID-19 na kukunin naman sa 2021 budget.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *