undocumented
National

Undocumented OFWS sa UAE, hinimok na samantalahin ang Amnesty Program

Muling hinihikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented na Pilipino sa United Arab Emirates.

Ito ay samantalahin ang pagkakataon na makapag-avail ng Amnesty Program na pinalawig ng Gulf State ng hanggang tatlong buwan.

We urge our kababayans in UAE who have overstayed or have absconded from their employers to take advantage of this program,” ayon kay  Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano

Nagpaabot naman ng pasasalamat si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa UAE.

Ito’y dahil sa binigyan ang  30, 000 Pilipino ng oportunidad na maitama ang kanilang Immigration status o bumalik sa Pilipinas.

Ang nasabing Amnesty Program ay sinimulan ngayong August 1 hangang October 31, 2018.

Dagdag pa ni Cayetano, may sampung libong Pilipino sa UAE ang nasa ilalim pa ng hurisdiksiyon ng Philippine Embassy ng Abudhabi.

Dalawampung libo naman ang nasa ilalim pa ng Consulate General ng Dubai na dapat na mag-avail sa nasabing programa.

Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortez,  ipinatutupad ang amnesty sa mga foreign national na lumabag sa Immigration rules ng UAE.

Ang mga nakapag-avail sa programa ay exempted sa pangkaraniwang multa, Immigration penalties at hindi pagbabawalan na pumasok sa UAE.

Para maka-avail sa nasabing amnesty ang mga kuwalipikadong nationals ay dapat mag-aplay sa Emirates.

Bibigyan sila ng dalawang pagpipilian:

  • Lumabas sa UAE at bumalik sa kanilang bansa
  • Gawing legal ang kanilang Immigration status para manatili ng hanggang anim na buwan.

Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *