National

“Unceremonious termination” ng mga Barangay Health Workers sa ilang bahagi ng bansa, kinondena

MARIING kinondena sa Kamara ang umanoy hindi makatarungang pagsibak sa pwesto sa mga Barangay Health Workers (BHWs) sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Barangay Health Worker’s (BHW) Partylist Rep. Angelica Co, marami itong natanggap na report mula sa mga BHWs na tinanggal sa pwesto ng wala umanong sapat na dahilan ng mga punong barangay at mga local officials.

Sa sumbong na natanggap ng mambabatas, ang mga tinanggal na BHWs ay basta-basta nalamang umanong pinalitan ng mga walang kasanayan sa “first aid” at hindi dumaan sa health education at training para sa nabanggit na propesyon.

Dahil dito, ipinunto ni Co na labag sa batas ang “unceremonious termination” sa ilalim ng Republic Act (RA) 7883 o ang “Barangay Health Workers’ Benefits and Incentives Act of 1995” na nagtatakda ng social protection sa nasabing sektor.

Barangay Health Workers
Umaasa si BHW Partylist Rep. Angelica Co na tutugon sina Health Secretary Francisco Duque III at Interior Secretary Eduardo Año sa kaniyang panawagan sa pamamagitan ng liham na ipinadala sa tanggapan ng mga nabanggit na opisyal.

Aniya, mapagkakaitan ng karapatan sa basic primary health care services ang mga Pilipino kapag hindi inaksyunan ng Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG).

 

Umaasa naman si Co na tutugon sina Health Secretary Francisco Duque III at Interior Secretary Eduardo Año sa kaniyang panawagan niya na imbestigahan ang insidente matapos itong magpadala ng liham sa tanggapan ng mga nabanggit na opisyal.

Sa huli, maghahain ng panukala ang kongresista sa mga susunod na araw upang ma-amyendahan ang RA 7883 para pagtibayin ang security of tenure at mga benipisyong dapat na tinatamasa ngayon ng mga BHWs sa buong Pilipinas.

MJ  MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *