Sports

Unang talo sa mid-season conference ipinatikim ng SMB sa Meralco Bolts

Natikman ng Meralco Bolts ang unang talo sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos silang pataubin ng San Miguel Beermen (SMB) sa iskor na 99-92.
Ito naman ang unang sabak ng Beermen para sa mid-season conference.
Bumida ang ginawang 24 na puntos at 12 rebounds ni June Mar Fajardo samantalang nagtala naman ng 23 puntos at siyam na assists si Alex Cabagnot.
Dahil sa pagkatalo ay mayroon nang rekord ang Bolts na apat na panalo at isang talo.


 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *