Unang kaso ng Pilipino na gumaling mula sa coronavirus, kinumpirma

Unang kaso ng Pilipino na gumaling mula sa coronavirus, kinumpirma

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na may Pilipinong gumaling na mula sa higit isandaang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque III ang pasyente na si Patient No. 14 na isang 46- anyos na lalaki mula sa Makati.

Samantala, nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng positive cases sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 142 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kinilala ang dalawa na sina Patient No. 141 na isang 63- taong gulang na lalaki na naka-admit sa The Medical City, at si Patient No. 142 na 50-taong gulang na lalaki at kasalukuyang naka-admit sa reporting facility ng RESU-NCR.

Samantala, nananatili naman sa labindalawa ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *