Unang batch ng mga train set para sa MRT-7, dumating na sa Tandang Sora Station

Unang batch ng mga train set para sa MRT-7, dumating na sa Tandang Sora Station

DUMATING na ang unang batch ng mga train set para sa MRT-7 project sa Tandang Sora Station, Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic o anumang sama ng panahon ay hindi mapipigilan ng pamahalaan na magtrabaho sa ilalim ng Build Build Build Program.

Isa na nga rito ang pagtratrabaho sa Metro Rail Transit 7 na tuloy tuloy ang pagtatrabaho ng Department of Transportation (DOTr) para sa napakalaking project sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng Duterte Administration.

Bandang 11 ng gabi kahapon, ibiniyahe ang mga train set para sa nasabing proyekto mula Manila Harbour Center Port Terminal sa Maynila patungong Tandang Sora Station, Commonwealth Ave. sa Quezon City.

Ang dalawang train sets ay dumating  noong Lunes mula South Korea.

May kabuuang 36 train sets o 108 train cars ang binili ng San Miguel Corporation na unti-unting i-dedeliver sa bansa.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga residente ang nasabing proyekto na anila ay malaking tulong para sa mas mabilis at maayos na pagbibiyahe.

Ang railway project na inaasahang matatapos sa December 2022 ay mapapaikli  sa 35 minuto ang travel time mula sa dating 2 hanggang 3 oras na biyahe mula North Avenue hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.

‘’Malaking bagay po… minuto andoon ka na,’’ayon sa isang residente na si Feriano Babina.

Ayon sa DOTr, ang MRT-7 na mayroong 14 stations ay kayang maglulan ng 525,000 hanggang 850,000 na pasahero kada araw.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *