BusinessNational

Umano’y iregularidad sa pagtayo ng ABS-CBN transmitter tower, paiimbestigahan sa Kamara

WoodProfit

PAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ang umano’y iregularidad sa pagtayo ng ABS-CBN transmitter tower sa Mother Ignacia Quezon City.

Ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa panayam sa Usaping Bayan, walang building permit ang tower nang ito ay itayo kaya aniya ay kuwestyonable ang nasabing pasilidad.

“Pati nga ‘yung transmitter nila sa balita lang, ‘yan pala ay walang kaukulang building permit. Ang mayroon lang daw building permit ‘yung kanilang building pero ‘yang transmitter noong ‘yan ay pinasinayaan ni Pangulong Joseph Estrada, pinabusisi ng Malakanyang. Ganoon ang Malakanyang masyadong istrikto bago dumating ang presidente titingnan kung ang lahat ng pinasinayaan na pasilidad ay naaayon sa batas. Nakita nila na ‘yung transmitter gawa na pero wala pang building permit kaya ang building permit nahuli,” ayon pa ni Marcoleta.

PHOTO JOB

Ayon kay Marcoleta, mahalaga na may building permit sa lahat ng mga itatayong gusali sa bansa lalo na ang mga matatayog na istruktura gaya ng transmitter tower ng ABS-CBN.

“Kung talagang mayroon silang mga building permit, titingnan natin ‘yung date. Kailangan niyo nakuha ‘yung building permit? Baka naman ay tapos na tapos na ‘yung tore doon niyo pa binigay? Hindi tama ‘yun malaking peligro, parang sinakripisyo mo ang kaligtasan ng mga mamamayan sa paligid niyan. Eh, ‘yan ang pinakamataas na transmitter sa ating bansa,” dagdag pa ni Marcoleta.

Inihain naman ni Marcoleta ang House Resolution 1058 para pormal na paimbestigahan ang land title ng ABS-CBN Compound.

Naghain rin ng resolution si Senior Deputy Majority Leader Boying Remulla para paimbestigahan ang posibleng franchise violations ng AMCARA Broadcasting Network kung saan umeere noon ang mga programa ng ABS-CBN sa digital TV.

Pitong kongresista naman ang naghain ng House Resolution para paimbestigahan ang utang ng pamilya Lopez sa DBP.

Samantala, inaalok naman ng ABS-CBN ang paggamit ng kanilang transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa buong bansa.

Subalit ayon kay Marcoleta, dapat pag-aralan ng pamahalaan ang alok na ito ng network.

“Maganda naman ‘yun. Very noble siguro kung makakatulong sa ating mga mag-aaral. Pero kailangan muna kasi natin ‘yung ilagay sa ayos ang lahat ng mga bagay bago siguro natin mapagtibay ‘yung kanilang ino-offer na mga serbisyo sa pagtulong sa ating pamahalaan,” aniya pa.

SMNI NEWS

 

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

3 Comments

  1. Maraming Salamat po, Rep. Marcoleta at sa lahat ng members ng 18th Congress. You are in my prayers. God bless you. Stay safe.

  2. Hindi kami papayag ! Marami pang dapat imbestigahan sa anomalya ng istasyong iyan, yung lumang kinatitirikan ng mga gusali nila, yung utang nila sa DBP, yung dapat na bayaran nila sa paglabag nila sa pagpapalabas ng boxing match ni Paquiao, pag pumayag kayo dyan, kabilang na kayo sa mga nauto nila noon at sinuhulan, Gatchalian alam naming may personal na interest ka , get out sayang taxes namin na ibinabayad sa iyo ,emisaryo ka ng mga Lopez katulad ng mga kasamahan mong senador ! Dalawang taon na lang ilalagi mo dyan pag igihan mo , gising kami sa kalokohan nyo !

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close