Umano’y 50% bisa ng Sinovac vaccine mula China, ‘unacceptable’ sa ilang senador

Umano’y 50% bisa ng Sinovac vaccine mula China, ‘unacceptable’ sa ilang senador

MAHIGPIT na binalaan ng ilang senador ang gobyerno sa iniulat na 50% lamang ang bisa ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 na mula sa China —ang Sinovac vaccine.

Ito ay maaaring malagay na naman sa peligro ang buhay ng mga Pilipino matapos ang kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine ilang taon na ang nakalilipas na kumitil ng mahigit isang daan na mga bata.

Nagpahayag ng kanilang pagkaalarma ang mga senador kabilang na si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naging resulta ng trials ng Sinovac vaccine sa Brazil na kungsaan ay nagsasabing nasa mahigit 50% lamang ang bisa ng nasabing bakuna.

Ayon naman sa Department of Science and Technology (DOST), ‘acceptable’ ang 50% efficacy ng Sinovac Biotech ng China dahil ito ay napapaloob sa minimum requirement ng Word Health Organization (WHO).

“The 50% efficacy is acceptable because that is the minimum requirement set by the World Health Organization for a vaccine to be used by a country,” ayon kay Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST.

“We have to also bear in mind that a vaccine efficacy may actually change. It may go up or it may go down as more and more people are using it when they are actually rolled out,” dagdag aniya.

Matatandaang sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na inaasahang makarating sa bansa sa unang kuwarter ng taon 2021 ang Sinovac vaccine.

Habang tiniyak naman makarating sa bansa sa ikalawang kwarter ng 2021 ang AstraZeneca vaccine na mula sa British drugmaker na aabot sa 2.6 million doses.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *