UK daily death toll lampas sa 1,000 sa ikatlong pagkakataon

UK daily death toll lampas sa 1,000 sa ikatlong pagkakataon

TUMAAS ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa United Kingdom (UK) na pumalo sa 1,248 sa loob ng isang araw.

Ito na ang pangatlong pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa bansa at sa loob lamang ng 28 araw ay umabot sa mahigit 86,000 ang nasawi na may 7,421 fatalities sa nakaraang pitong araw.

Sa huling datos ng Department of Health ng bansa, naitala ang bagong kaso sa 48,682 sa nakalipas na 24 oras bumaba ito sa nakaraang araw na may 52,618 na kaso.

Pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa timog-silangan na may 209, pangalawa ang London na may 185, sinundan ito ng Midlands 175, sa silangan ng England na may 117, 80 sa kanlurang-silangan at Yorkshire, nairekord sa hilagang-kanluran ang 80 na mga nasawi, habang 38 naman sa timog-kanluran.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *