$10-K donasyon
Sports

UFC President Dana White, nagbigay ng $10-K donasyon sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Magbibigay ng sampung libong US dollar o mahigit P500,000 si UFC President Dana White para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sa kaniyang tweeter account, kinumpirma ni White ang pag-donate niya ng ten thousand dollars para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Ito ay matapos mabalitaan ng UFC President na maraming mga pamilya ang naapektuhan sa magkakasunod na lindol noong nakaraang linggo.

hindi lamang ito ang unang beses na tumutulong sa mga biktima ng trahedya si White dahil noong nakaraang mga trahedya sa ibang panig ng mundo ay kusa itong nagbibigay ng tulong.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *