UAE, Hungary, kasama na sa bansang may travel restrictions sa Pilipinas

UAE, Hungary, kasama na sa bansang may travel restrictions sa Pilipinas

PANSAMANTALANG ipinatupad ang travel restrictions ng mga biyahero mula sa United Arab Emirates (UAE) at Hungary.

Idinagdag ang mga nasabing bansa sa listahan ng mga bansang may travel restrictions na inilabas ng Office of the Executive Secretary (OES).

Ipatutupad naman ang travel ban sa dalawang bansa simula 12:01 ng umaga ng Enero 17 hanggang Enero 31.

Maaari namang makauwi sa bansa ang mga Pilipino ngunit kinakailangang sumailalim sa “absolute facility-based 14-day quarantine period” kahit na nagnegatibo ang mga ito sa kanilang RT-PCR test.

Ang mga foreign travelers naman na darating sa bansa bago ang Enero 17 ay kinakailangan ding dumaan sa 14-day quarantine sa isang inilaan na pasilidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *