sa Denmark
International

U.S. President Donald Trump, hindi na itutuloy ang pagbisita sa Denmark

HINDI na itutuloy pa ni US President Donald Trump ang kanyang biyahe sa Denmark na nakatakda sa katapusan ng buwan.

Sa Twitter post ni Trump, ang kawalan aniya ng interest ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen na pag-usapan ang pagbili ng Greenland ang dahilan ng kanyang pagsuspinde sa pagpunta sa naturang bansa.

“Denmark is a very special country with incredible people, but based on Prime Minister Mette Frederiksen’s comments, that she would have no interest in discussing the purchase of Greenland, I will be postponing our meeting scheduled in two weeks for another time,” pahayag ni Trump.

Gayunman, umaasa itong matutuloy ang kanyang biyahe sa Denmark kung magiging bukas na ang Danish government na makipagdayalogo sa pagbenta ng Greenland.

Una namang iginiit ni Trump sa mga nauna nitong post, na wala itong planong magtayo ng Trump tower sa Greenland.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *