U.S. President Biden, nanawagan ng national moment of silence para sa 500K na namatay sa COVID-19

U.S. President Biden, nanawagan ng national moment of silence para sa 500K na namatay sa COVID-19

NANAWAGAN si U.S. President Joe Biden sa Americans na obserbahin ang ‘moment of silence’ upang gunitain ang grim milestone ng 500,000 na namatay sanhi ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Hinikayat ni Biden ang lahat ng mamamayan na isantabi muna ang mga pagtatalo-talo sa partisan at magkaisang makipaglaban sa pandemya.

“Today we mark a truly grim, heartbreaking milestone -500,071 dead. That’s more Americans who have died in one year in this pandemic than in World War One, World War Two and Vietnam War combined,” pahayag ni Biden.

Isinagawa ang moment of silence 6:15 ng gabi (oras sa Amerika) sa White House kung saan kasama ni Biden si Vice President Kamala Harris, First Lady Jill Biden, Second Gentleman Doug Emhoff.

“As a nation, we can’t accept such a cruel fate. While we’ve been fighting this pandemic for so long, we have to resist becoming numb to sorrow,” emosyonal na pahayag ni Biden.

Inatas din ni Biden na ibaba sa half-staff sa loob ng limang araw ang lahat ng mga watawat ng federal properties at military facilities.

Nanawagan din si Biden sa mga mamamayan na manatiling maging alerto sa pakikipagbaka sa pandemya sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuot ng face mask at pagtanggap ng bakuna sa panahon na makarating ito sa kanila.

“We must end the politics of misinformation that have divided families, communities and the country. It’s cost too many lives already,” aniya pa. “And I think we have to reflect on all the ways in which our response went wrong,” dagdag aniya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *