Chinese goods
Business International

U.S., nagsimula ng magpataw ng 15% taripa sa ilang Chinese goods

NAGSIMULA nang patawan ng 15% taripa ng Amerika ang ilang Chinese goods noong linggo habang pinatawan naman ng 5% taripa ng China ang US crude o petroleum.

Apektado ng US tariffs ang mahigit $125 billion na Chinese imports habang maliban sa US petroleum ay sinimulan na rin patawan ng China ang nasa $75 billion na halaga ng US goods.

Ayon kay US Pres. Donald Trump ay balak niyang bawasan ang pagdepende ng Amerika sa Chinese goods habang nanawagan naman ang China na umakto bilang isang responsableng global power ang Amerika at sinabing hindi apektado ng US tariffs ang pag-unlad ng China.

Nakatakda muling mag-usap ang trade teams ng Amerika at China ngayong Setyembre upang talakayin ang trade war sa pagitan ng dalawang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *