Tripoli
International

U.S. binawi ang mga tropa sa Libya sa kasagsagan ng kaguluhan sa Tripoli

BINAWI ng United States Military ang malaking bahagi ng tropa nito sa Libya sa kasagsagan ng kaguluhan sa capital city Tripoli.

Sa kabila ng paglilipat ng puwersa ay patuloy pa ring aktibo sa pagsuporta ang US militar sa diplomatic missions.

Maging ang suporta sa counterterrorism activities at regional security sa lugar.

Ayon ito kay Marine Corps Gen. Thomas Walddhauser, head ng US Africa Command.

Pansamantala munang inilipat sa ibang lugar ang American forces dahil sa tumataas na kaguluhan sa Tripoli.

Nagsimula ang kaguluhan sa nasabing lungsod nang hawakan ni General Khalifa Haftar ang kontrol sa lugar.

Nanawagan naman si U.S. Secretary of State Mike Pompeo na tigilan na ni Haftar ang pagsalakay ng kanyang militar sa lungsod.

Dagdag pa ni Pompeo na kailangan magsagawa ng UN mediated negotiations ang Libyan leaders at iba pang international partners.

Ito ay upang masolusyunan ang hidwaan sa Libya.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *