Amazon
International

U.N. at France, nanawagan ng proteksyon para sa nagpapatuloy na Amazon wildfire crisis

NANAWAGAN ang United Nations at France ng proteksyon para sa Amazon rainforest na itinuturing na napakahalagang depensa laban sa climate change subalit ngayon ay patuloy na nilalamong ng matinding wildfire.

Sa kanyang Twitter post ay nagpahayag ng matinding pagkabahala si UN Chief Antonio Guterres sa nagpapatuloy na wildfire sa pinakamalaking tropical rainforest sa buong mundo at pangunahing pinagkukunan ng oxygen at biodiversity.

Tinawag naman ni French Pres. Emmanuel Macron na isang intl crisis ang wildfire sa nasabing rainforest at nanawagang isama sa top agenda ang nasabing usapin sa gaganaping 45th G7 summit sa France ngayong Sabado na dadaluhan ng mga pinakamaunlad na bansa sa mundo.

Binatikos naman ng climate activists at conservationists ang inilabas na satellite data ng national institute for space research na may naitalang mahigit 75,000 forest fires sa buong Brazil para sa taong 2019 kumpara sa mahigit 40,000 forest fires lamang sa kaparehong buwan noong 2018.

Kaugnay nito ay binalaan ni Brazilian Pres. Jair Bolsonaro ang ilang foreign powers na huwag makialam sa isyu bagama’t nauna na nitong sinabi na walang sapat na resources ang bansa upang pigilan ang wildfire sa Amazon na aniya ay mas malawak pa kumpara sa Europa.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *