Tyronn Lue, pumayag na maging head coach ng Los Angeles Clippers

Tyronn Lue, pumayag na maging head coach ng Los Angeles Clippers

PUMAYAG na si Tyronn Lue na maging head coach ng Los Angeles Clippers ayon sa ilang reports ngayong araw.

Ayon sa ulat, papalitan ni Lue si Doc Rivers na namaalam na bilang head coach ng Clippers noong nakaraang dalawang linggo matapos ang limang taong kontrata nito.

Si Lue ang nagsilbing head coach ng Cleveland Cavaliers noong 2016 kung saan naiuwi din nito ang NBA Title.

Naging lead assistant coach din si Lue ng Clippers noong nakaraang season kung saan natalo ang mga ito sa Denver sa Western Conference Semifinals.

Inaasahang lalahok sa staff ni Tyronn Lue si former NBA player Chauncey Billups na kandidato din na magiging coach ng Indiana Pacers.

Si Lue na may 128,93 na record bilang NBA head coach ang ikaanim na Black Head coach sa NBA.

Sa ngayon, isinasapinal pa ang five-year contract sa pagitan ni Lue at ng Los Angeles Clippers management.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *