Typhoon Omais, nagdala ng malakas na ulan at hangin sa South Korea

Typhoon Omais, nagdala ng malakas na ulan at hangin sa South Korea

NAGDALA ang Typhoon Omais ng malakas na ulan at hangin sa South Korea.

Sa pagtataya ng weather agency sa South Korea ang bagyong Omais ay posibleng tumama sa katimugang bahagi ng bansa.

Malakas na pag-ulan at hangin ang dala ni bagyong Omais sa pag pasok nito sa isla ng Jeju sa South Korea.

Ayon sa ulat ng Korea Meteorological Administration (KMA), si Typhoon Omais ay may maximum wind speed na 25.3 meter per second na tumama sa lungsod ng Seogwipo kahapon at naglalakbay patungong hilagang- silangan ng bansa.

Nag-isyu naman ng typhoon at landslide warning ang gobyerno para sa buong isla at sa mga pangunahing lungsod at lalawigan kabilang na ang Southern City ng Busan at Gyeonggi province .

Nag-utos naman ang pamahalaan ng Changwon sa mga residente na lumikas mula sa 73 lugar na madaling kapitan ng landslide at pagbaha.

Nagbabala naman ang ahensya ng panahon na maaring makagambala ang bagyo sa mga pampublikong transportasyon sa isla at pinayuhan ang mga lokal na pamahalaan at mga residente na lubusang maghanda para rito.

Kanselado naman paglalayag dahil sa malakas na hangin ng karamihan sa mga fishing boat at walong Ferries na kumokonekta sa Jeju at sa iba pang mga pantalan kabilang ang Mokpo at Busan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *