panandaliang ipinasara
Regional

Turtle Island sa Zamboang Del Sur, panandaliang ipinasara ng DENR para linisin

INANUNSYO ng Department Environment and Natural Resources ang panandaliang pagsasara ng tinaguriang “Turtle Island” o ang Panikian Island sa bayan ng Pitogo sa Zamboanga Del Sur.

Naging epektibo ang Notice to Public ng DENR nitong martes matapos mapagdesisyunang isailalim ang isla sa isang clean-up drive.

Sa naging pahayag naman ni Brendelyn Madarang ng DENR’S Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section, aniya pangunahing dahilan sa pagsasa-ayos sa isla ay upang masiguro ang pangmatagalang proteksiyon at pangangalaga dito.

Hinikayat naman ng grupo ang publiko na makipagtulungan sa kanilang adhikaing mapanatili ang kalinisan at kaayusan Panikian Island.

Tinagurian itong Turtle Island dahil sa laging pagbisita ng mga Green Sea Turtles sa isla para mangitlog.

Dahil dito naging tourist attraction na ito sa Panikian Island.

P50-M halaga ng public market, nakatakdang itayo sa Negros Occidental

NAKATAKDANG itayo sa probinsya ng Negros Occindental ang isang public market na napondohan ng nagkakahalaga ng P50 milyon.

Planong i-puwesto ang naturang palengke sa katimugang bahagi ng bayan ng Candoni.

Ang bayan ng Candoni ay isang 4th class municipality at mayroong pinakakaunting populasyon sa probinsya.

Sa naging pahayag naman ni Governor Eugenio Jose Lacson, sa groundbreaking rite kamakailan, na ni-request ng kaniyang opisina ang pondong gagamitin dito sa Municipal Development Fund Office of the Department of Finance.

Naniniwala kasi si Lacson na napakahalagang may palengke sa bawat bayan dahil ito ang nagiging sentro ng lahat ng pagkakakitaan at mga aktibidad.

Ipinangako naman ng Gobernador na ang itatayong public market ay isa lang sa maraming plano niya para sa bayan ng Cardoni.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *