military troops
International

Turkey, nagpadala ng military troops sa Syrian border matapos balaan ng Amerika

AGAD nagpadala ang Turkey ng military troops nito sa Syrian border matapos magbabala si US Pres. Donald Trump noong lunes na pababagsakin ang ekonomiya nito kapag lumagpas  sa limitasyon ang pag-atake nito sa Syria.

Dose-dosenang military vehicles ang ipinadala ng Turkey sa Syrian border matapos ang pagbawi ni Trump sa ilang US forces sa lugar at ideklarang hindi na nito sasamahan ang Turkey sa operasyon nito sa Syria.

Nangamba naman para sa kanilang seguridad laban sa Turkey ang Kurdish forces kung saan naging kaalyado ito ni Trump sa pagpapabagsak ng ISIS sa Syria ngunit itinuturing naman itong militanteng grupo ng Turkey at banta sa kanilang bansa.

Binatikos rin ng Kurdish forces ang naganap na pullout ng US forces sa Syria na mistula umanong pang-iiwan ng Amerika ngunit tiniyak ni Trump na espesyal sa kanya ang mga kaalyadong Kurds dahilan upang balaan nito ang ekonomiya ng Turkey na pababagsakin kapag lumagpas sa limitasyon ang pag-atake nito sa Syria.

Kaugnay nito ay nabahala naman ang European Union officials sa posibleng pagdagsa ng refugees sa Europa upang takasan ang banta ng kaguluhan sa pagitan ng Turkey at Syria.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *