anti-aircraft missile system
International

Turkey, itutuloy ang pagbili ng anti-aircraft missile system sa Russia

NANINDIGAN ang Turkey na hindi nito ikakansela ang pagbili ng anti-aircraft missile system sa Russia.

Ito ang iginiit ni Turkish Vice President Fuat Oktay sa kanyang Twitter post.

Kaugnay ito sa pagpapapili ni US Vice-President Mike Pence sa Turkey.

Kung uunahin ang pagpapatibay sa alyansa sa North Atlantic Treaty Organization o makikipagsapalaran pa rin sa pagbili ng missile system sa Russia.

Ayon kay Turkey Foreign Minister Mevlut Cavusoglu, tuloy ang kanilang deal.

Dahil kailangan ito ng bansa laban sa banta ng Kurdish rebels at Islamist militants.

Ang S-400 “Triumf” ay isa sa pinaka-sopistikadang surface-to-air missile systems.

May shooting range ito na 250 miles, at kayang umatake ng walumpung beses na magkakasabay sa ere.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *