relasyon ng China
National

Tunay na relasyon ng China at Pilipinas, kinuwestiyon ng isang mambabatas

KINUWESTIYON ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang tunay na relasyon ng China sa Pilipinas.

Sa panayam ng SMNI News sa mambabatas, hindi kumbinsido si Biazon na maituturing na kaibigan ang China gayong hindi ito sumusunod sa mga umiiral na International Treaties and Convention.

Ani Biazon, hindi lang ito ang unang pagkakataon na nilabag ng China ang right of innocent passage ng Pilipinas at maging ang Automatic Identification System (AIS) ng mga chinese warships ay nakapatay.

Maliban dito, sinabi ni Biazon na sinira nila ang pangako ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na sumunod sa mga alituntunin kapag tatawid sa karagatan ng Pilipinas.

“Kasi hindi naman ito ‘yung unang pagkakataon, may nangyari na rin noong nakaraan eh. Tapos sinabi nung Chinese ambassador na hindi na raw mauulit iyan, eh inulit. So, doon mapupunta yung question na yung pagkakaibigan ba eh totoong pagkakaibigan o gamitan lang? Ang nangyayari parang basta gagamit tayo. Dahil parang yung sincerity na magkaroon ng balanseng pagkakaibigan ay mukhang hindi naman natutupad,” pahayag ni Biazon.

Kung maaalala, limang barkong pandigma ng China ang nakitang naglayag sa Sibutu at Balabac Strait ng walang abiso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *