North Cotabato
Regional

Tulunan, North Cotabato, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

NIYANIG ng magnitude 4.6 na lindol ang Tulunan, North Cotabato.

Natukoy ang sentro ng lindol sa 10 kilometro timog-silangan ng Tulunan, kaninang alas 7:55 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 12 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Kidapawan City habang naitala ang Instrumental Intensity 3 sa Kidapawan City at Intensity 1 sa Tupi, South Cotabato.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga istruktura at walang inaasahang aftershocks kasunod ng pagyanig.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *