Tuguegarao City kabilang sa ‘LGUs of Concern’ ng Octa Research

DAHIL sa mataas na kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao kabilang na ito sa “9 LGUs of concern” sa buong bansa ayon sa Octa Research.

Base sa datos ng Octa Reseach monitoring kamakailan, kasama ang syudad ng Tuguegarao sa 9 na “LGUs of Concern” at tanging lungsod sa Luzon na nasama sa naturang listahan.

Sa tala ng Octa Research kabilang sa LGUs of concern ang Bacolod, Iloilo City, Dumaguete, Davao City, Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato City at Tuguegarao City na itinuturing na high risk areas ng COVID-19.

Sa nakaraang buwan ng Mayo nakapagtala ng pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) ang Tuguegarao kung saan umabot sa 21.63 kada araw ang kaso ng virus na mas mataas kumpara sa NCR na 14.54 lamang.

Sa ngayon umabot na sa 733 ang aktibong kaso ng lungsod matapos na madagdagan ito ng 33 panibagong kaso.

Pumalo naman sa 41.47% o 304 ang bilang ng mga naka home quarantine kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus sa lungsod kaya tinagurian itong epicenter ng COVID-19 sa buong probinsya ng Cagayan.

Matatandaan na kamakailan lang ng iminungkahi ni Gov. Manuel Mamba ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga Brgy. isolation units lalo na ngayong pandemya.

Sa huling datos nasa 1,269,478 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa habang 59, 337 ang naitalang aktibong kaso.

(BASAHIN: Areas of concern sa Mindanao dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19, tinukoy ng OCTA Research Group)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *