Trump, pinabulaanan na nauubos na ang pondo para sa kanyang kampanya

Trump, pinabulaanan na nauubos na ang pondo para sa kanyang kampanya

TINIYAK ni U.S. President Donald Trump sa kanyang mga tagasuporta na hindi nauubusan ng pera ang kanyang kampanya at kapag ito’y mangyari man ay sariling salapi ang gagamitin ng pangulo.

Inihayag ito ni Trump sa kanyang Twitter post at aniya’y nakasisiguro siyang manalo sa eleksyon ngayong Nobyembre 3.

“I keep reading Fake News stories that my campaign is running low on money,” ang tweet ni Trump.

“Not true, & if it were so, I would put up money myself. The fact is that we have much more money than we had 4 years ago, where we spent much less money than Crooked Hillary, and still easily won 306-223!” aniya pa.

Nagsimula ang bali-balita kaugnay sa sitwasyong pampinansyal ng kampanya ni Trump sa isang article ng BuzzFeedNews.

Ayon sa isang artikulo ng BuzzFeedNews, pinagtatanggal ni Trump ang mga patalastas sa sa mga pangunahing estado sa Midwestern.

Walang patalastas si Trump sa Iowa at Ohio at binawasan ng US$2 milyong halaga ng reservations sa Michigan at Wisconsin simula noong Setyembre.

Tinanggal din ng kampanya ang $5 bilyon mula sa kabuuang badyet para sa telebisyon sa Minnesota.

Nilinaw naman ng kampanya na ang pagtanggal sa mga patalastas mula sa pangunahing mga estado na sumusuporta kay Trump ay upang makatipid ng salapi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *