economic sabotage
National

Truck holiday protest, tinawag na economic sabotage

TINAWAG na economic sabotage ng mga transport official ang isinagawang truck holiday protest ng mga trucker at broker sa Maynila.

Lunes ng simulan ang truck holiday sa pangunguna ng Alliance of Philippine Brokers and Truckers Association.

Magtatagal ito hanggang sa Sabado para tutulan ang umano’y plano ng pamahalaan na phase out sa mga lumang truck.

Ayon kay transportation OIC-Undersecretary Mark De Leon, posibleng sampahan ng kaso ng Department of Transportation ang grupo na nasa likod ng protesta.

Sinabi rin ni LTFRB Chief Martin Delgra na maaring maharap sa administrative sanctions ang mga truck operators.

Ani Delgra, ang truck holiday ay paglabag sa kanilang Certificate of Public Convenience.

Ayon naman kay PH Ports Authority Chief Jay Santiago na ang mga trucker na sumali sa protesta ay posibleng maharap sa PPA sanctions.

Kabilang na ang kanselasyon ng kanilang permit to operate sa mga pantalan.

Nilinaw naman ni De Leon na walang polisiya na nagpha-phase out sa mga lumang trak na labinlimang taon at pataas na.

Sa halip aniya ay magsasagawa ng inspeksyon ang mga regulators para matukoy ang road worthiness ng mga trucks.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *