Tropical Storm ‘Nimfa’
National

Tropical Storm ‘Nimfa’, namataan sa East Northeast ng Basco, Batanes

NAMATAAN ang sentro ng Tropical Storm ‘Nimfa’ sa 580 km ng east northeast ng Basco, Batanes.

Dahil dito, makararanas ng pagbuhos ng ulan ang Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon ngayong araw.

Batay sa inilabas na weather advisory ng Pagasa kaninang alas 3:00 ng umaga, ito ay may hanging aabot sa 75 km per hour sa gitna at pagbugsong aabot 90 km per hour.

Ang Bagyong Nimfa ay kumikilos pa kanluran sa bilis na 25 km per hour.

Samantala, asahan ang paminsanang pag-ulan sa  Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon partikular nasa CALABARZON at ang mga probinsya ng Mindoro, Marinduque at Romblon ngayong araw.

Ito ay bunsod pa din ng hanging habagat o southwest monsoon.

Makakaranas naman ng maulap na papawirin at panaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon na may kasamang pagkulog.

Asahan naman ang mga isolate rain showers sa Visayas at Mindanao dahil naman sa mga localized thunderstorms.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *