National

Tropical depression sa labas ng PAR, bahagya pang lumakas

BAHAGYANG lumakas ang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang kumikilos pasilangan hilagang-silangan.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang weather disturbance sa layong 1,495 kilometro silangan ng Visayas.

May lakas ito ng hanging aabot sa 55 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 70 kph.

Kumikilos ito pasilangan hilagang-silangan sa bilis na 15 kph.

Sinabi ng Pagasa na inaasahang papasok ng PAR ang tropical depression sa loob ng 48 oras at papangalanan itong “Marilyn.”

Magdadala ang trough o extension ng tropical depression at ang southwest monsoon o habagat ng kalat-kalat na mahina hanggang

Katamtamang pag-ulan na minsan may kalakasang pag-ulan dahil sa thunderstorms sa Mindoro Provinces, Romblon, Marinduque, hilagang bahagi ng palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Island, Visayas at Bicol Region.

Maliit naman aniya ang tsansa na maglaland-fall ang nasabing weather disturbance sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *