Tropical Depression  Ofel, nasa west Philippine sea na

Tropical Depression Ofel, nasa west Philippine sea na

NASA West Philippine Sea (WPS) na ang Tropical Depression Ofel.

Sa 8AM Severe Weather Bulletin ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 170 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro o 150 kilometro kanluran ng Tanauan City, Batangas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Inalis na rin ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ng weather bureau na inaasahang hihina na sa low pressure area ang Tropical Depression Ofel sa loob ng susunod na 12 hanggang 24 oras habang nasa WPS.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *