Trillanes arrest warrant
National

Trillanes, kinumpirmang ang arrest warrant laban sa kanya at 10 iba pa

KINUMPIRMA ni Dating Senador Antonio Trillanes IV na may inilabas na arrest warrant ang Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 laban sa kanya at 10 iba pa.

Kaugnay ito sa reklamong “conspiracy to commit sedition” para sa “Ang Totoong Narcolist” videos kung saan isinasangkot ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Ayon kay Trillanes, kasalukuyang nasa ibang bansa ito dahil sa ilang serye ng engagements, plano niyang magpiyansa sa isang linggo matapos makabalik ng bansa.

Tiniyak din ng senador na kanyang haharapin ang kaso gaya ng pagharap niya sa lahat ng sinasabi nitong iba pang harassment cases na inihain sa kanya ng mga tagasunod ng pangulo.

Si Trillanes na kilalang kritiko ng pangulo ay unang inaresto sa ilalim ng Duterte Administration noong Setyembre 2018 dahil sa kasong rebelyon matapos bawiin ang ibinigay na amnestiya rito na may kaugnayan sa 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula Siege.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *