Tree planting activity
Kingdom News

Tree planting activity ng SMNI at mga benepisyaryo, matagumpay na naidaos

UMABOT sa 500 seedlings ang itinanim sa isinagawang tree planting activity sa ilalim ng pakikipag-ugnayan ng pamunuan ng Veterans Memorial Medical Center, at Dept. of National Defense at Sonshine Media Network International o SMNI.

Tree planting activity

Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Dr. Dominador Chiong director ng VMMC dahil sa muling pagsasagawa ng tree planting activity sa kanilang lugar.

Malaking tulong aniya ito sa kanilang mga pasyente na nagpapagaling sa mensahe ni DND Usec General Reynaldo Mapagu, Armed Forces of the Philippines muling ipinaalala nito ang kahalagahan ng pagtatanim ng punongkahoy.

Aniya, ang pagtatanim ay hindi lang nagsasalba ito ng buhay kundi nakatutulong din aniya ito na mapaganda ang kapaligiran lalo na sa nararanasang polusyon sa bansa.

Nakiisa din mismo ang chief operations officer ng SMNI Bing Ayang, VMMC Asst. Dir. Gali, mga kinatawan ng PNP, AFP Reserve Command, BFP, DENR, GSP, Keepers Club International, Sonshine Philippines Movement at members ng Kingdom of Jesus Christ.

Tree planting activity

Tree planting activity

Dinaluhan din ang aktibidad ng ilan sa mga pangunahing personalidad ng SMNI News at DZAR Sonshine Radio Manila na sina Mike Abe, Tony Cuevas at Angelo Almonte at mga kasamahang bumubuo ng Sonshine Media Network International.

Ito na ang ikalawang taong pagtutulungan ng VMMC, DND at SMNI na layong matulungan ang lugar na mapaganda at maging maaliwalas para sa mga pasyente rito.

Tree planting activity

Tree planting activity

Ang inisyatibang ito ay sa ilalim din ng programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy na siyang presidente ng Sonshine Philippines Movement na siya ring may-ari ng Sonshine Media Network International.

Mula sa programa, pinapaabot namin ang taos pusong pasasalamat sa mga sponsors nakibahagi sa taunang tree planting activity.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *