Travel restrictions laban sa PhilHealth officials, nararapat lang —Palasyo

Travel restrictions laban sa PhilHealth officials, nararapat lang —Palasyo

SINANG-ayunan ng Malakanyang ang suhestyon na ipabilang sa Immigration watchlist o travel restrictions ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) officials na sangkot sa iregularidad sa ahensiya.

Una nang inirekomenda ng isang mambabatas na isama sa Immigration watchlist at magpatupad ng Hold Departure Order (HDO) laban sa PhilHealth officials na sangkot sa mga katiwalian sa korporasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, 100% aprub sa Palasyo ang naturang mungkahi.

Ito’y upang sa panahon na gagawin na ang formalities laban sa mga opisyal na ito ay mabilis ang magiging aksyon.

Sa rekomendasyong ibinigay ng Task Force on PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang sa pinasasampahan ng kaso ay sina dating PhilHealth President Ricardo Morales, Senior Vice President (SVP) at  Chief Information Officer Jovita V. Aragona, senior Information and Communication Techno­logy officer Calixto Gabuya Jr., Executive Vice President at Chief Operating Officer Arnel De Jesus, SVP Ernesto Limiasco Jr., SVP Israel Pargas, at  Division Chief Bobby Crisostomo.

Una nang aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Task Force PhilHealth na kasuhan ng kriminal at administratibo si Morales at ilan pang opisyal.

Nakita ng Task Force PhilHealth ang mga iregularidad sa tatlong areas na tinutukan ng kanilang imbestigasyon.

Kabilang dito ang pag-apruba at pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism, pag-apruba ng pondo para sa pagbili ng ICT equipment, at corporate policies na bigong mapanagot ang mga tiwaling PhilHealth personnel at health care institutions at professionals.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *