ACTO
National

Transport group na ACTO, may tigil-pasada sa Lunes

MAGSASAGAWA ng tigil-pasada ang transport group na Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO sa Lunes, Hulyo 15.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay ACTO President Efren de Luna, ito ay para ipakita sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang pagtutol sa ilang patakarang nakapaloob sa Transport Modernization Program ng gobyerno na imposible aniya nilang magawa.

Ayon kay De Luna, paglilinaw lang naman ang kanilang hinihiling sa LTFRB lalo na’t matatapos na ang tatlong taong palugit na ibinigay sa kanila ng ahensya na sumunod sa standards.

Isa rin aniya sa panawagan nila ang pagbitiw sa puwesto ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

Sinabi ni De Luna na magsisimula silang magtipon-tipon sa Memorial Circle sa Quezon City at sasabayan nila ng motorcade na patungo sa LTFRB.

Handa naman aniya sila na makipag-usap o makipag-dayalogo sa LTFRB kung sakali para maidulog ang kanilang hiling.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *