Traslacion, mananatiling suspendido sa 2022

Traslacion, mananatiling suspendido sa 2022

MANANATILING suspendido parin ang pagsasagawa ng Traslacion sa January 2022.

Kagaya sa nangyari noong 2021, walang prosesyon na idaraos mula sa Quirino Grandstand dahil nananatili parin itong COVID-19 field hospital ng Manila.

Kapareho lang din sa nakaraang taon ang patakaran na ipapatupad ng kapulisan hinggil dito.

Subalit tiniyak naman ng pamunuan ng Quiapo church, ang simbahan na regular na pinagdarausan ng traslacion na nakahanda sila sakaling magdagsaan ang mga tao.

Ito’y kasunod sa posibleng pagbaba ng Metro Manila sa alert level 01 sa January 2022.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *