Transaksyon ng NBI clearance mas pinadali gamit ang online application

Transaksyon ng NBI clearance mas pinadali gamit ang online application

NGAYONG araw ay magkakaroon ng Announcement and Launching of Official National Bureau of Investigation (NBI) Clearance Renewal with Delivery Service in Metro Manila ang NBI.

Layon ng NBI na maging mabilis at hassle free ang mga gagawing transaksyon.

Gaya na lamang ng pagbabayad at pagrerehistro ng NBI clearance gamit ang iba’t-ibang online payment partners.

Sa pamamagitan din nito hindi na kailangan lumabas ng mga magre-renew dahil pwede na rin itong gawin thru online.

At mas magiging maginhawa pa dahil maari na ring ipa-deliver door to door ang mga dokumento ng NBI dito sa Metro Manila sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.

Dadaluhan naman ito nina Director Eric Distor na siyang OIC ng NBI at  Deputy director Jose Justo Yap ng Info. & comm. Technology.

Kabilang din sa dadalo si Deputy director Ferdinand Lavin ng Forensic investigation services, Chief Marlou Baltazar ICT division, at chief Nicanor Suarez ng information division.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *